Miyerkules, Oktubre 23, 2013


Mangingisda ako......di sa karagatan na puno ng basura....di sa dagat na alam mong sinira na ng mga taong hindi naging handa sa PAG-UNLAD....Sa karagatan na di mo alam kung buhangin ba o burak na rin tulad ng estero sa paligid ng siyudad....Mangisngisda ako para may makain pero di sa Sapa na ginawang tapunan ng mga taong walang pag-galang sa iba....mangingisda ako sa malinis na Dagat o malinis na ilog pero di ko alam kung saan ko ito matatagpuan?Kung sa paglabas pa lang ng aming tahanan tubig na kay rumi aking dadaanan...Basurang nagkalat at bahong gawa ng tao....Maaring ba akoy tulungan para sa aking pangingisda?May alam ka pa bang malinis na karagatan o ilog na pwedeng makahuli...Mangingisda ako pero isang araw nahuli ko'y Dalawang kilong bigas....Isdang nasa lata at instant noodles na dalawa...Sa panadaliang iyon maraming natuwa pero di na naisip ang sa mga susunod pang darating....Mangingisda ako sa malinis na Karagatan o ilog yung walang bahid labo ng tubig o baho tulad ng panahon na malinis pa ang paligid...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento