Huwebes, Oktubre 24, 2013


May 15 2013 Batorinao,Baras,Catanduanes;

Nakakatuwa ang larawang ito.Ito yung time na nakipiyesta kami sa tabing baryo ng aking mga magulang.Nayaya ng mga pinsan at mga pamangkin.Pagtapos makikain sa maraming bahay.Pumunta kami sa tabing Ilog na ito.Nang mapansin ko ang mga batang ito na naglalaro sa isang balsa.Wow sarap ng feeling na di ako nakakakita nito sa Metro Manila.Kaya ang ginawa ng inyong lingkod.Lumoblub lang naman at nakipaglaro sa mga batang ito upang maranasan ko rin ang kanilang nararanasan.Dahil noong ako'y kasing edad nila di ko naranasan ang tulad ng kanilang ginagawa..Tinawanan ako ng mga pinsan at pamangkin ko..Pero iba ang kasiyahan naramdaman ko..Sabay bulong sa sarili'y ang sarap maging "BATA"




Peace Love and Equality

Kung wala nito sa isang relasyon,sana tapusin mo na ito.Dahil walang patutunguhan kung sa simula pa lang ay may dapat masunod.Ang tao'y pantay-pantay ginawa ng Diyos..



Ito naman ang isa sa mga friend namin ni Roger na taon-taon dalawang beses mong aayusin ang Christmas decor....Mabait ang family nila.Naku di ko na rin sasabihin kung taga saan sila.Ayos magbayad kasi may free ka pang red wine at pabango.Oh di ba bengadera(bonggang-bongga).Hahaha......Naku Madam magpapasko na naman pengi na ng pabango in advance......chos!!!








Magpapasko na pala,umpisa na naman ng matinding traffic sa buong Metro Manila..Magiging makulay na naman ang mga kabahayan at mga Malls..Kanya-kanyang decoration at palamuti.Iba't-ibang kulay ng mga ilaw na tumatakaw pansin at sisilaw sa ating mga mata.Dito lang naman sa Pilipinas ang napakahabang Christmas Holiday's..Pupusta pa ako sa Pilipinas lang din ang may pinakamasayang Pasko at Bagong taon.Natatawa nga ako eh...sa bawat paskong dumarating,Lagi na lang sa ibang bahay ang inaayusan kong mga Christmas Decoration.Hahaha!!!di bale may bayad naman yun.Naku nalibot ko na ata ang mga kabahayan dito sa Metro Manila.May mayayaman at meron din naman nagmamayaman lang!!Hahaha!!(huwag na ko ng sabihin yung barat,baka di na uli magpagawa).Di nyo ba alam na ang iba ay ginagastusan nila ng libong piso taon-taon ang kanilang mga Christmas Decoration?sayang nga eh wala yung marami kong picture na naayusan.Ilan lang naman ito na nakuha ko na lang...Teka huwag nyo na tanungin kung ang bahay ko ay may Christmas Decoration,dahil siguradong wala dahil inuubos na nila...Hahaha