Linggo, Nobyembre 24, 2013

Kagandahan

Sa ganda niya....Bakit may mga taong ayaw ng katahimikan at pag-uunawa?Bakit may mga taong di kuntento sa tagumpay ng iba?Bakit may mga taong di alam kung ano ang minimithi sa buhay?Sa ganda niya mas maganda sigurong tignan ko na lang sya ng malayuan....Sa paraan na iyon di ko makita ang ibang bagay ng makakasira para sa ganda nang Isang paraisong tulad nito..

Huwebes, Oktubre 24, 2013


May 15 2013 Batorinao,Baras,Catanduanes;

Nakakatuwa ang larawang ito.Ito yung time na nakipiyesta kami sa tabing baryo ng aking mga magulang.Nayaya ng mga pinsan at mga pamangkin.Pagtapos makikain sa maraming bahay.Pumunta kami sa tabing Ilog na ito.Nang mapansin ko ang mga batang ito na naglalaro sa isang balsa.Wow sarap ng feeling na di ako nakakakita nito sa Metro Manila.Kaya ang ginawa ng inyong lingkod.Lumoblub lang naman at nakipaglaro sa mga batang ito upang maranasan ko rin ang kanilang nararanasan.Dahil noong ako'y kasing edad nila di ko naranasan ang tulad ng kanilang ginagawa..Tinawanan ako ng mga pinsan at pamangkin ko..Pero iba ang kasiyahan naramdaman ko..Sabay bulong sa sarili'y ang sarap maging "BATA"




Peace Love and Equality

Kung wala nito sa isang relasyon,sana tapusin mo na ito.Dahil walang patutunguhan kung sa simula pa lang ay may dapat masunod.Ang tao'y pantay-pantay ginawa ng Diyos..



Ito naman ang isa sa mga friend namin ni Roger na taon-taon dalawang beses mong aayusin ang Christmas decor....Mabait ang family nila.Naku di ko na rin sasabihin kung taga saan sila.Ayos magbayad kasi may free ka pang red wine at pabango.Oh di ba bengadera(bonggang-bongga).Hahaha......Naku Madam magpapasko na naman pengi na ng pabango in advance......chos!!!








Magpapasko na pala,umpisa na naman ng matinding traffic sa buong Metro Manila..Magiging makulay na naman ang mga kabahayan at mga Malls..Kanya-kanyang decoration at palamuti.Iba't-ibang kulay ng mga ilaw na tumatakaw pansin at sisilaw sa ating mga mata.Dito lang naman sa Pilipinas ang napakahabang Christmas Holiday's..Pupusta pa ako sa Pilipinas lang din ang may pinakamasayang Pasko at Bagong taon.Natatawa nga ako eh...sa bawat paskong dumarating,Lagi na lang sa ibang bahay ang inaayusan kong mga Christmas Decoration.Hahaha!!!di bale may bayad naman yun.Naku nalibot ko na ata ang mga kabahayan dito sa Metro Manila.May mayayaman at meron din naman nagmamayaman lang!!Hahaha!!(huwag na ko ng sabihin yung barat,baka di na uli magpagawa).Di nyo ba alam na ang iba ay ginagastusan nila ng libong piso taon-taon ang kanilang mga Christmas Decoration?sayang nga eh wala yung marami kong picture na naayusan.Ilan lang naman ito na nakuha ko na lang...Teka huwag nyo na tanungin kung ang bahay ko ay may Christmas Decoration,dahil siguradong wala dahil inuubos na nila...Hahaha

Miyerkules, Oktubre 23, 2013














Mga paborito kong shot's gamit ang cellphone ko.

Isang alaala mula sa isang kaibigan..Mahilig ako kumuha ng mga litrato..Shot dito shot doon.Pero wala naman akong magandang camera...Tanging cellphone lang ang madalas kong gamit..Sabi ng ilan magaling daw ako kumuha ng bawat subject...Alam mo bang ayokong ineedit ang bawat larawan gusto ko ay orihinal na pinakikita.

Mangingisda ako......di sa karagatan na puno ng basura....di sa dagat na alam mong sinira na ng mga taong hindi naging handa sa PAG-UNLAD....Sa karagatan na di mo alam kung buhangin ba o burak na rin tulad ng estero sa paligid ng siyudad....Mangisngisda ako para may makain pero di sa Sapa na ginawang tapunan ng mga taong walang pag-galang sa iba....mangingisda ako sa malinis na Dagat o malinis na ilog pero di ko alam kung saan ko ito matatagpuan?Kung sa paglabas pa lang ng aming tahanan tubig na kay rumi aking dadaanan...Basurang nagkalat at bahong gawa ng tao....Maaring ba akoy tulungan para sa aking pangingisda?May alam ka pa bang malinis na karagatan o ilog na pwedeng makahuli...Mangingisda ako pero isang araw nahuli ko'y Dalawang kilong bigas....Isdang nasa lata at instant noodles na dalawa...Sa panadaliang iyon maraming natuwa pero di na naisip ang sa mga susunod pang darating....Mangingisda ako sa malinis na Karagatan o ilog yung walang bahid labo ng tubig o baho tulad ng panahon na malinis pa ang paligid...
Bubuksan ko ang aking mga mata..Kahit ako man ay nasa kadiliman kasama nila,pipilitin kong makita ang mga bagay na kailangan kong maunawaan.Imumulat ko ang aking mga mata,upang mabigyan ko ng tamang interprestayon ang bawat nakikita...Muli kong maalala ang simula at hanggang wakas...Ayokong maging bulag sa katotohanan,maging bulag sa kahangalan ng iba.Maging bulag sa kung ano ang tama sa aking pananampalatay,pagkatao at higit sa lahat kung saan ako nagsimula....


Isang paraiso kung saan sinilang at lumaki ang aking Ama....Kay gandang pagmasdan ang asul na karagatan,luntian kagubatan at sementadong kalsada....malayo man sa kabihasnan.


Tulad ng sikat ng araw minsan tao'y nasisilaw sa kanyang karapatan,kalayaan at pananampalataya.